Are you tired? Rest and keep going (Tagalog)

7:51 PM



Madalas, kapag nasasaktan tayo, ayaw na nating magpatuloy.
Gusto nalang nating mawala ng biglaan.

Sa bawat paggising sa umaga parang hinihiling mo na sana hindi ka nalang nagising.
Nasanay ka ng basa ang iyong unan paggising at pagtulog.

Alam kong masyadong masakit ang pinagdaraanan mo.
Yung mga bagay na lagi nyong ginagawa, ikaw nalang ang gagawa.
Sa bawat lugar na mapupuntahan mo, sya lagi ang naalala.
Sa apat na sulok ng kwarto, mga ngiti nya ang iyong nakikita.
Sa pagsuklay ng iyong buhok, hinihiling na sana kamay nya ang humahaplos.
Sa pagdampi ng hangin sa iyong pisngi, hiling mo sana ito’y kanyang labi.

Mahirap.
Mahirap dahil sa tagal na panahon na kayo’y magkasama, di mo na makita ang sarili mong wala sya.
Mahirap dahil basang unan nalang ang ‘yong iiyakan. Hindi na ang kanyang balikat at braso.

Masakit.
Masakit isipin na ang lahat ay hanggang alaala nalang.
Masakit tanggapin na ang pangarap na sabay dapat tutuparin ay ikaw na lamang. O sya.

Walang katapusang pagtulo ng luha, pagmumukmok at pagkadurog. 
Tinatanong kung “bakit kelangan pagdaanan ko ito?” bakit kelangan maramdaman ko ito?



Ngunit,
Alam kong ang iyong mata ay pagod nang lumuha, 
ngunit sana’y hayaan mong ilabas nito ang lahat ng sakit dahil darating ang oras na luluha ka ng dahil sa saya hindi sa sakit.

Alam kong rindi kana sa mga iyak mo, 
ngunit sana’y marinig mo ang tinig ng pagbangon.

Alam kong malabo na ang iyong paningin dahil sa iyong pag iyak ,
ngunit sana’y makita mo ang ganda ng mundo na puno ng pagmamahal.

Alam kong manhid na ang iyong pakiramdam, 
ngunit sana’y madama mo ang haplos ng hangin at yakap ng mga taong nagmamahal sayo,
Naghihintay sayo.

Alam kong ayaw mo ng tumayo ni ayaw nang lumakad, 
nguni’t sana’y hayaan mong samahan ka namin sa iyong paglalakbay.

Alam kong sa bawat paglubog ng araw, iniisip mong katapusan na, 
ngunit alalahanin mong may bukang-liwayway pang kasunod nito. 
Hindi pa huli ang lahat para bumangon, para magsimulang muli.


Alam kong pagod kana, pero wag kang susuko. Magpahinga ka at magpatuloy.


- K

Related Article: Move on: It's Painful but it's Right!

You Might Also Like

0 comments

Instagram